19
Oct
09

Missin’ my Lola

Missing1

Missing2

“Everywhere I go, every smile I see
I know you are there smilin’ back at me
Dancin in moonlight I know you are free
‘Cuz I can see your star shinin’ down on me”
– Janet Jackson, Together Again

It’s been 8 months now pero hirap pa rin po akong tanggapin na wala na kayo sa amin.
Alam ko po masaya na kayo kung nasaan man kayo.
Alam ko po na magkasama na ulit kayo ni Lolo.
Basta Lola, promise n’yo sa akin, na hindi pa rin po kayong magsasawa na bantayan kami.
Mahal na mahal ko po kayo.
Nga pala, salamat po sa pagdalaw n’yo sa panaginip ko kagabi.
Miss ko na po kayo… Miss na miss!

Advertisements

20 Responses to “Missin’ my Lola”


  1. 1 Yj
    October 19, 2009 at 11:06 pm

    aaaaaaaaaaaaaaaw…. she must have been a remarkable and loving woman….

    lola ko din ang nagpalaki sa aming magkakapatid kaya mahal na mahal ko siya…. hindi ko man masusuklian yun, sana maiparamdam ko man lang na thankful ako…. πŸ™‚

  2. October 19, 2009 at 11:19 pm

    Naks! teka nagpakita ba sya sa panaginip mo?! pray ka lang… pero tumambling ako sa kanta… jijijijiji

  3. October 19, 2009 at 11:35 pm

    buti ka pa naaalala mo pa lola mo… ako di ko na naaalala, not even her face… tagal na rin kasi 😦

  4. 4 timberboy
    October 19, 2009 at 11:44 pm

    @ YJ: Yup… Siya ang “Inang” ng buong compound namin. Kahit yung mga tita at tito ko (cousins ng mom ko) pati yung nangungupahan sa apartment namin, nanay ang turing sa kanya. Sigh… Nakakamiss talaga.

    @ xprosaic: Sa dream ko, magaling na daw s’ya. Kasama naming naghahanap ng malilipatan dahil nabaha raw yung bahay namin (fyi, hindi binaha ang bahay namin nung dumaan yung bagyong Ondoy). Yung kanta naman, if you’ll listen closely sa lyrics nung song it’s about someone who passed away. Yung beat hindi yung typical na malungkot or emo.

    @ night crawler: 25 years ko rin nakasama ang Lola ko. Magkasama kasi kami sa bahay. Yung Lolo ko ang di ko masyadong natatandaan. Kasi 6yo lang ako nung nawala siya. Pero sabi ng mom ko pati mga tito’t tita ko, ako ang paborito ng Lolo ko.

  5. 5 lababo
    October 20, 2009 at 10:22 am

    bait naman…

    ang astig talaga ng mga lola no?
    naalala ko dati,nung nagkasakit ang kakambal ni lola, iyak ako ng iyak. takot na takot ako kasi baka pati lola ko magkasakit din. Tas namatay sya, lalo naman akong natakot nun, kasi nga kambal, e di ba may link sila sa isa’t isa? Pero buti naman at okay pa rin lola ko. Ayokong isipin, pero tumatakbo ang oras. Nakakatakot.

  6. 6 timberboy
    October 20, 2009 at 11:01 am

    @ lababo: kaya hangga’t may oras pa, ipaalam mo na sa Lola mo kung gaano mo siya kamahal… kung gaano siya kaimportante sa buhay mo. πŸ™‚

  7. 8 timberboy
    October 20, 2009 at 11:31 am

    @ lababo: dalhan mo siya ng paborito n’yang pagkain.

    Too bad, nung huli kong nakita yung Lola ko na malakas pa, di s’ya pwedeng kumain.
    Sabi ko pa nga sa kanya, pagbalik ko galing Singapore, dapat malakas na s’ya at tatambay ulit kami sa Starbucks habang kumakain ng pizza (suchal lola ko, haha… yan ang fave past time n’ya) tapos sumagot s’ya ng oo.
    Kaya lang nung umuwi ako after 1 month, wala na, mahina na talaga siya. Ni hindi na s’ya makapagsalita. 😦

    • 9 lababo
      October 20, 2009 at 11:39 am

      abay susyal nga lola mo pre! haha

      okay lang yan *tapik sa balikat*
      alalahanin mo na lang na maswerte ka pa rin kasi nakilala at nakasama mo lola mo.

      ako naman, palagi kong binibigyan ng pera si lola. Nakakaguilty lang kasi hanggang 500 lang nabibigay ko. Pero alam ko na sobrang naappreciate nya yun (parents ko nga parang wala lang pag inaabutan ko ng pera eh). next weekend, sa undas sana makapagbigay ulit ako. Simple lang naman kasi yun, solb na yun sa tigisang pakete ng kape at asukal. Yung isa ko namang lola, nag uulyanin na.. baka di nako makilala, 4 weeks nakong di nakakauwi eh. Pero di ako makakalimutan nun, iiyak ako pag di nya ko nakilala.. hahahaha.

  8. 10 timberboy
    October 20, 2009 at 11:45 am

    @ lababo: Aba, malay mo naman, biglang sabihin nung lola mo na naguulyanin na, “ito, para sa paborito kong apo… Si Lababo” naks! πŸ˜€

    • 11 lababo
      October 20, 2009 at 11:49 am

      ..at dahil sa narinig na iyon ni lababo, hindi na nya namalayan ang walang humpay na paghagulgol at pag agos ng kanyang sipon… at luha.

  9. October 20, 2009 at 2:04 pm

    siguro may meaning kung bakit tayo dinadalaw sa panaginip…
    it may be a good omen or a warning… ingat na lang ha! πŸ™‚

  10. October 21, 2009 at 4:46 am

    awww… now, i miss my lola..

  11. October 21, 2009 at 7:30 am

    i grew up in my paternal grandmom, malupit siya sa akin. papadapain ako sa bangko at papaluin ng bakal ng sinturon. nung high school, tumira ako sa maternal grandmom ko… sobrang bait naman niya, halos lahat gawin para sa mga apo. kaso, hindi ako close sa kanya. i never had any hatred sa paternal lola kahit ganun, yung lola ko naman sa nanay hindi kami close kahit super bait. pero, i realized in your post na kahit ano pa man… both of them were there for me. di rin kasi ako lumaki sa parents. so i should be thankful. (cencia na kung napa-kwento ako…).

    naiinggit ako sa nararamdaman mo… she was a loss, but you both shared a meaningful life together.

  12. 15 timberboy
    October 21, 2009 at 9:09 am

    @ roanne: You’re right. Salamat sa paalala.

    @ gillboard: Sometimes, hindi natin nare-realize kung gaano kaimportante ang isang tao/bagay habang nasa sa atin pa siya.

    @ taga-bundok: Thanks for sharing. Naiyak naman doon sa last line ng post mo. 😦

  13. October 21, 2009 at 9:50 am

    nakakataba ng puso na kahit sa panaginip nariyan pa rin ang lola mo. handa kang gabayan, may mensahe ang panaginip at ang luha na dadaloy sa iyong mga pisngi ay patunay lamang nang magandang ala-ala.

    (add kita sa blogroll ah… ganda nang concept ng blog mo. ikaw nga pala yung number #1 sa BNP. :))

  14. October 21, 2009 at 11:39 am

    i myself is a lola’s boy so i know what you are feeling. hopefully my lola will live long enough to see me marry and have children.

    i wrote a blog din about my lola, if you got time please check it out >>> http://johnonline.wordpress.com/2009/09/13/the-greatest-grandmother-on-earth/

  15. 18 timberboy
    October 21, 2009 at 12:46 pm

    @ taga-bundok: Oo nga e. Yan ang pakiusap ko sa kanya, na sana kahit nasa mas okay na siyang lugar ngayon, ‘wag n’ya pa rin kaming kalilimutan i-guide gaya nung kasama pa namin siya. Hay… Miss na miss ko na talaga siya. 😦

    re BNP: pang-3rd na lang yata ako doon. Haha. Salamat sa pag-add. Yung blog mo, ia-add ko rin. πŸ™‚

    @ johnonline: Too bad, hindi na makikilala ng magiging anak ko (not that may nabuntis… LOL). Hindi na matututunan ng anak ko yung famous “aremondes, mondes” ng Lola ko. Ako na lang siguro ang magtuturo nun sa anak ko.

    ======================

    Initially, balak ko sanang blog eh about my Lola. Yung grief ng isang apo sa pagkawala ng pinakamamahal niyang Lola. Kaya lang naisip ko masyado yatang malungkot. Baka walang ineteresado. Pero sa nakikita kong response dito, mukhang okay. Maybe, one of these days, I’ll create my second blog na dedicated sa Lola ko. πŸ™‚

    Sana suportahan niyo rin gaya ng support nyo dito sa una kong blog.

  16. October 26, 2009 at 10:47 am

    Parang nabasa ko ‘ata Timber sa isa pang blog na naiyak ka sa isang post about his lola also. ‘Kaw ba ‘yun?

  17. 20 timberboy
    October 26, 2009 at 9:47 pm

    @ Msg Sent: Mmm… Malamang ako nga yun. Iyakin ako e. Lalo na kapag ganyan ang usapan. πŸ™‚


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: